Home NATIONWIDE Bagong NCMF chief, ilan pang opisyal sa gobyerno itinalaga

Bagong NCMF chief, ilan pang opisyal sa gobyerno itinalaga

NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng bagong Kalihim ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) at ilang opisyal sa mga ahensiya ng gobyerno.

Sa isang Facebook post, araw ng Miyerkules, inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na itinalaga ng Pangulo si Sabuddin Abdurahim bilang bagong NCMF chief, pinalitan niya si Secretary Guiling Mamondiong.

Ayon sa NCMF, si Abdurahim, dating Tawi-Tawi First District Board member, nanumpa sa kanyang tungkulin sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Palasyo ng Malakanyang noong Marso 27.

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Renato Reside Jr. bilang Undersecretary ng Department of Finance (DOF), habang si Antonio Tabora Jr. ay pinangalanan bilang Presidential Assistant for Cordillera Administrative Region na may posisyong Assistant Secretary.

Ang iba pang appointees sa ilalim ng Office of the President (OP) ay sina Cynthia Vergara bilang Assistant Executive Secretary ng Internal Audit Office ng OP, at Alexander Flores bilang Assistant Secretary sa Office of the Deputy Executive Secretary for Support Services and Auxiliaries.

Samantala, itinalaga rin ng Pangulo sina Elmer Jude Mesina bilang Deputy Director-General ng Philippine Information Agency, habang Director IV naman ng Philippine Space Agency si Rolando Martinez.

Kasama rin sa itinalaga ng Chief Executive sina Marcelino Villafuerte II bilang Director III ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, Jesus Sale Jr. bilang Board Member ng Social Security Commission magiging kinatawan ng Workers’ Group, Julio Balanag bilang Sangguniang Panlungsod Member ng City of Las PiƱas, Penelope De Ausen bilang Provincial Agrarian Reform Officer II ng Department of Agrarian Reform, at Lou Zenith Europa bilang Director IV ng Department of Education.

Itinalaga rin ang mga bagong miyembro ng Land Bank Securities Inc. ng DOF gaya nina namely, Gonzalo Benjamin Bongolan, Liduvino Geron, Felix Manlangit, Adelfa Masacupan, Jennifer Tantan, Lucila Tesorero, at Ma. Cielito Valdivia.

Samantala, ang iba pang appointees ay sina Lester Tan (Director IV ng Department of Health), Ma. Teresa Inigo (Director General ng DOH-Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care), Shielo Reyes (Director IV ng National Economic and Development Authority), at Elmer Decena (Director II ng Land Transportation Office). Kris Jose

Previous articleSC: Heinous crime convicts pwedeng mapalaya sa GCTA
Next article2 bagong special economic zones sa Pasig City, Cavite itinatag