Home HOME BANNER STORY SC: Heinous crime convicts pwedeng mapalaya sa GCTA

SC: Heinous crime convicts pwedeng mapalaya sa GCTA

MANILA Philippines – Pasok pa rin sa benepisyo ng good conduct time allowance (GCTA) ang mga persons deprived of liberty (PDLs) na hinatulan dahil sa karumal dumal na krimen.

Ito ang inihayag ng Supreme Court (SC) matapos paboran ang petisyun ng mga PDL na kumuwestyon sa ligalidad ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng GCTA law.

Ang GCTA credits ay ibinibigay sa mga PDL na nagpakita ng magandang asal at pagbabago habang nakakulong. Dahil dito may pagkakataon ang PDL na makalaya agad.

Ayon sa SC, lumagpas sa kapangyarihan ang Department of Justice ng ilabas nito ang 2019 IRR.

“Department of Justice (DOJ), in enacting its 2019 Implementing Rules and Regulations (2019 IRR), exceeded its power of subordinate legislation when it excluded persons convicted of heinous crimes from the benefits of Republic Act (RA) No. 10592, or the New Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.”

Sinabi ng Korte na malinaw ang nakasaad sa batas na sinumang hinatulang preso ay may karapatan sa benepisyo ng GCTA hanggat ito ay nasa bilanguan o detention center.

Idineklara ng Mataas na Hukuman na hindi tama na hindi isama sa 2019 IRR ang mga nahatulan ng heinous crimes maging ang mga paulit ulit na nakagawa ng krimen gayung hindi naman ito nakasaad sa R.A. No. 10592 o GCTA Law. Teresa Tavares

Previous articleMga beteranong Pinoy #LibrengSakay sa MRT-3 at LRT-2 sa Abril 5-11
Next articleBagong NCMF chief, ilan pang opisyal sa gobyerno itinalaga