Home NATIONWIDE Mga beteranong Pinoy #LibrengSakay sa MRT-3 at LRT-2 sa Abril 5-11

Mga beteranong Pinoy #LibrengSakay sa MRT-3 at LRT-2 sa Abril 5-11

MANILA, Philippines – May libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) sa mga beteranong Pinoy simula April 5 hanggang 11 sa pagdiriwang ng Day of Valor (Araw ng Kagitingan) at Philippine Veterans Week, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kailangan lamang magpakita ng valifld ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa station security guard para makakuha ng libreng sakay .

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways and MRT3 Officer-in-Charge Jorjette B.Aquino, kinikilala ng MRT3 ang mahalagang kontribusyon sa ating lipunan ang mga beterano ng ikalawang digmaan pandaigdig kaya naman nais pasalamatan at bigyan sila ng pagpupugay kahit sa sinpleng paraan sa paghahandog sa kanila ng libreng sakay.

Sinabi naman ni LRTA Administrator Atty Hernando Cabrera na Ang alok na libreng sakay sa mga beterano ay paraan ng ahensya upang bigyang-pugay at kilalanin ang sakripisyo at katapangan ng mga beterano. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBalik-F2F classes na sa Pasay
Next articleSC: Heinous crime convicts pwedeng mapalaya sa GCTA