MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Pasay ngayong araw (Abril 4) ang muling pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga paaralan sa lungsod matapos itong suspindihin dahil sa tindi ng nararanasang init nitong mga nakaraang araw.
Epektibo ang naturang kautusan sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lungsod.
Matatandaan na ang ipinatupad na suspensyon ng face-to-face classes ay nakapailalim sa Executive Order No. 42 na nilagdaan ni City Mayor Emi Calixto-Rubiano nitong Abril 2.
Nakapaloob din sa executive order na nilagdaan ni Calixto-Rubiano na ang pagkakaroon o ang pagpapatupad lamang nng suspensyon ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan na nasasakupan ng lungsod ay kung ang temperatura ay aakyat lamang sa 42 degrees Celsius o mas higit pa ang index heat o init ng panahon na mararanasan sa lungsod.
Kasabay nito ay pinayuhan naman ni Calixto-Rubiano ang mga residente na kung wala rin lang naman na importanteng bagay na gagawin sa labas ay hanggang maari ay manatili na lamang sa bahay dahil sa mararanasang sobrang init ng panahon na maaaring magdulot atake o heat stroke. (James I. Catapusan)