Home NATIONWIDE Bagong PH Army chief, pinangalanan na

Bagong PH Army chief, pinangalanan na

375
0

MANILA, Philippines – Itinalaga si Lieutenant General Antonio Nafarrete bilang bagong Commanding General ng Philippine Army, kapalit ni Lt. Gen. Roy Galido.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang change of command ceremony sa Taguig City ngayong Huwebes. Pararangalan si Galido ng Presidential Legion of Honor bilang pagkilala sa kaniyang mahusay na paglilingkod.

Nauna nang namuno si Nafarrete sa Western Mindanao Command (WESMINCOM) at nagsilbi sa iba’t ibang posisyon sa 1st Infantry Division, Joint Task Force Zampelan, at sa AFP Operations Division (J3). Kapwa sila ni Galido ay mula sa PMA “Bigkis-Lahi” Class of 1990.

Ipinahayag ng Philippine Army ang buong suporta kay Nafarrete bilang ika-67 hepe nito, at kinilala ang kaniyang integridad, karanasan, at dedikasyon sa kapayapaan at pambansang kaunlaran. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here