Home HOME BANNER STORY Utang ng Pinas, lampas na sa P17 Trilyon na nitong Hunyo 2025

Utang ng Pinas, lampas na sa P17 Trilyon na nitong Hunyo 2025

324
0

MANILA, Philippines – LUMAMPAS na sa P17-trillion mark ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Hunyo dahil sa mataas na local borrowing upang mapunan ang tinatawag na fiscal shortfall.

Makikita sa datos na ipinalabas ng Bureau of the Treasury (BTr) na ang total outstanding debt ay nasa P17.267 trilyon sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo—tumaas ng 2.1% mula P16.918 trilyon noong Mayo, at 11% na mas mataas kumpara sa P15.483 trilyon noong Hunyo 2024.

Sinabi ng BTr na ang pagtaas ay bunga ng “strong investor demand for government securities,” kung saan umabot sa P11.950 trilyon ang halaga ng domestic borrowings sa buwan—P886.478 bilyon mula sa treasury bills, at P11.063 trilyon mula sa treasury bonds.

“This strategy is consistent with the government’s goal to boost the local capital market while lowering foreign exchange risks and building investor trust in Philippine-issued securities,” ayon sa pahayag ng BTr.

Samantala, pumalo naman sa P5.316 trilyon ang external debt, mas mataas ng 3.5% mula sa P5.138 trilyon noong nakaraang buwan.

Kabilang dito ang P2.602 trilyon mula sa mga pautang, at P2.714 trilyon mula sa external debt securities.

Pinawi naman ng BTr ang pangamba at sinabing kahit tumaas ang utang, nananatiling sustainable ang kalagayan ng gobyerno.

“The national government’s prudent debt management strategy reflects the Marcos Jr. administration’s commitment to safeguarding fiscal sustainability, supporting inclusive growth, and ensuring that every peso borrowed is used to build a stronger economy for the Filipino people,” dagdag ng BTr. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here