DAVAO CITY – Isang bagong Philippine eagle chick ang isinilang sa National Bird Breeding Sanctuary, isang mahalagang tagumpay sa pagsagip sa kritikal na nanganganib na uri ng agila.
Pinangalanang Riley o “Chick No. 31,” ang inakay ay anak nina Sinag at Dakila at napisa noong Enero 16, ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF).
Ayon sa PEF, ito ang kauna-unahang naitalang natural at walang-tulong na pagpapapisa ng isang agila ng Pilipinas.
Ililipat si Riley sa mas malaking pugad sa Pebrero 19 upang bigyang espasyo ang kanyang paglaki.
Sa bilang na 400 pares na lang sa kagubatan, ang pagdating ni Riley ay isang simbolo ng pag-asa at kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. RNT