Home NATIONWIDE Bagong Postmaster General, CEO ng PHLPost pinangalanan

Bagong Postmaster General, CEO ng PHLPost pinangalanan

MANILA, Philippines- Itinalaga bilang bagong Postmaster General  at CEO ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) si Mike Planas.

Inihalal si Planas noong Hunyo 18 bilang bahagi ng taunang board election.

Layunin ng bagong hirang na Postmaster General at CEO na gawing moderno ang mga  operasyon ng PHLPost, kabilang ang digital at cultural transformation at muling pagpapasigla ng mga serbisyo sa network nito na kinabibilangan ng higit 1,200 post offices sa buong bansa na ayon kay Planas ay maaaring magamit upang maabot pa ang mga malalayong lugar na hindi naaabot ng commercial courier sa bansa.

Plano rin nito ang pag-develop ng mga bagong product line at pakikipag-ugnayan sa mga e-commerce hub para matugunan ang nagbabagong pangangailangan ng mga Pilipino.

Kilala si Planas sa kanyang karera bilang pagiging onsehal sa Lungsod ng Quezon at consultant sa United Nations Food and Agriculture Organization.

Kasalukuyan din siyang presidente ng Rotary Club ng Quezon City Circle at chairman ng Quezon City Councilors Foundation Inc. (QCCFI). Jocelyn Tabangcura-Domenden