Home HOME BANNER STORY Chinese diplomats sa Pinas dapat palitan – eksperto

Chinese diplomats sa Pinas dapat palitan – eksperto

MANILA, Philippines- Sinabi ng isang maritime expert nitong Linggo na dapat paalisin ng Pilipinas ang Chinese diplomats sa Manila para bigyang-puwang ang panibagong dayalogo dahil tila sinusubukan ng gobyerno ng Pilipinas na bawasan ang tensyon matapos nitong ilarawan ang galit ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea bilang aksidente at hindi pagkakaunawaan at hindi armadong pag-atake.

Sinabi ni Prof. Jay Batongbacal, direktor ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, ang Maynila ay gumagawa ng sadyang pagsisikap na humingi pa rin ng diplomatiko at mapayapang resolusyon sa hindi pagkakaunawaan.

Ayon sa eksperto, ang kasalukuyang mga opisyal ng Chinese Embassy ay hindi nakatulong sa relasyon ng Manila-Beijing at nag-ambag pa sa kawalan ng tiwala at nagpalala sa mga isyu.

Sa isang press conference sa  Beijing, nanawagan ang ministry of foreign affairs ng China sa Pilipinas na maayos na pamahalaan ang mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon sa lalong madaling panahon.

Gayunman, sinabi ni Batngbacal na kung nais ng China na magsimula ng bago, dapat palitan ang kanilang kinatawan sa Pilipinas.

Nauna rito, sinabi ng National Maritime Council na hindi nito itinuturing ang mga askyon ng CCG laban sa mga tropa ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, noong Hunyo 17, bilang isang armadong pag-atake, na sinasabi na ang insidente ay “marahil dulot ng hindi pagkakaunawaan o isang aksidente.”

Muli namang iginiit  ni Executive Secretary Lucas Bersamin, pinuno ng National Maritime Council, na ang Manila ay handang makipagtulungan sa China para resolbahin ang maritime row.

Ayon naman kay Danilo Arao ng University of the Philippine College of Mass Communiction, walang nakikitang problema na isapubliko ang iskedyul para sa susunod na RORE mission.

Aniya, ang transparency ay para sa kapakinabangan ng media at ng international community, at hindi kinakailangang humingi ng pahintulot mula sa China na magsagawa ng naturang aktibidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden