Home NATIONWIDE Bagong silang na sanggol nasawi sa eroplano mula Clark pa-Korea

Bagong silang na sanggol nasawi sa eroplano mula Clark pa-Korea

283
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang bagong silang na sanggol na lalaki habang sakay ng eroplano patungong Incheon mula sa Pilipinas, ayon sa Incheon International Airport Police Corps.

Bandang 6:44 ng umaga ay nakatanggap ng tawag ang 119 emergency operators na hindi na humihinga ang isang bagong silang na sanggol sa loob ng eroplano.

Hindi na tumitibok ang puso ng sanggol nang dumating ang emergency workers at idineklarang patay matapos dalhin sa kalapit na ospital.

Tinukoy ang ina ng sanggol na isang Filipina, 30-anyos na kasama ng kanyang asawa, biyenan at anak.

Iimbestigahan na ng pamahalaan ng South Korea ang insidente at kung paano naipanganak ang bata habang nasa loob ng eroplano at kung bakit ito namatay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here