MANILA, Philippines- Nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes si newly-appointed Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Jose Francisco Benitez sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa katunayan, may ilang larawan ng oath-taking ni Benitez ang naka-post sa Facebook page ni Pangulong Marcos.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Pangulong Marcos na titiyakin ni Benitez bilang bagong TESDA head, na patuloy na makatatanggap ang mga manggagawa ng ‘technical skills at pagsasanay’ na kailangan ng mga ito.
“I am confident that Kiko Benitez, with his strong background in education and public service, is the right person to lead the Technical Education and Skills Development Authority,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa Facebook.
“We will make sure Filipinos are prepared for the jobs of tomorrow, helping to build a stronger and more prosperous Bagong Pilipinas (New Philippines),” dagdag na wika nito.
Si Benitez ay nagsilbi bilang kinatawan ng Negros Occidental Third District bago pa siya maitalaga sa kanyang bagong posisyon.
Pinalitan nito si Suharto Mangudadatu na nagbitiw sa tungkulin para maghanda sa 2025 local elections.
Bilang mambabatas, si Benitez ay tumayong chairman ng Committee on Housing and Urban Development sa Kongreso.
Kilala rin si Benitez para sa kanyang ‘championing legislation’ na nagsusulong ng bagong development paradigms na bumabalanse sa social equity, economic growth, at ecological sustainability. Kris Jose