MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Supreme Court ang desisyon nito na hindi kinakailangang magbigay ng bahagi ng kinikita ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa lokal na pamahalaan ng Bulacan dahil sa paggamit ng Angat Dam.
Sa Supreme Court En Banc resolution, ibinasura ang motion for reconsideration ng Provincial Government of Bulacan.
Iginiit ng SC na ang tubig sa Angat Dam ay iniangkop na tubig at hindi itinuturing na natural resources.
“The water impounded in Angat Dam is no longer considered a natural resource. It has already been extracted from a natural source, the Angat River, by the National Power Commission (NPC). Once water is removed from its natural source, it ceases to be part of the natural resources of the country and becomes artificial and man-made in character.”
Nangangahulugan na hindi ito kailangang singilin ng national wealth tax at hindi obligado na magbigay ng kinita sa Bulacan government dahil sa paggamit ng Angat Dam.
Una nang binagligtad ng SC ang naging desisyon ng Regional Trial Court at Court of Appeals na nag-aatas sa MWSS na magbigay sa Bulacan ng bahagi nito sa paggamit ng MWSS ng water resources mula sa Angat Dam.
Sinabi ng SC na ang National Power Commission na siyang nag-ooperate ng Angat Dam para sa power generation ang tunay na responsable sa pagbabayad sa Bulacan.
“Since the liability for the national wealth share falls on the direct
extractor, the NPC is responsible for paying the Bulacan government, and it has been complying with this obligation.” Teresa Tavares