MANILA, Philippines – Lumakas at naging isa nang tropical depression ang low-pressure area (LPA) na minomonitor sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Lunes, Nobyembre 11.
Ayo sa PAGASA, huling namataan ang tropical depression sa layong 1,620 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong west northwestward sa bilis na 35 kilometro kada oras.
Batay sa track nito, kikilos pa-kanluran ang tropical depression at posibleng pumasok sa PAR Martes ng umaga.
Sa oras na pumasok sa PAR ay tatawagin itong “Ofel.”
“The tropical depression may make landfall over Northern or Central Luzon on Thursday (14 November) evening or Friday (15 November) early morning,” ayon pa sa PAGASA.
Inaasahang lalakas bilang isang severe tropical storm ang naturang tropical depression sa susunod na 48 oras. RNT/JGC