Home NATIONWIDE Bagong UK ambassador sa Pinas, itinalaga

Bagong UK ambassador sa Pinas, itinalaga

MANILA, Philippines – Itinalaga ng United Kingdom si Sarah Anne Pascale Hulton bilang bagong Ambassador sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng UK Foreign, Commonwealth, and Development Office (FCDO).

Si Hulton ay papalitan si Ms. Laure Beaufils bilang His Majesty’s Ambassador to the Republic of the Philippines at non-resident Ambassador sa Republic of Palau. Inaasahan na sisimulan niya ang kanyang tungkulin sa Setyembre ngayong taon.

Sa X (dating Twitter), binati ni Beaufils si Hulton at ipinahayag ang kanyang tiwala na magiging mahusay itong ambassador at mamahalin ang parehong bansa tulad ng ginawa niya.

Batay sa kanyang curriculum vitae sa FCDO website, si Hulton ay dati nang nagtatrabaho sa Maynila bilang Second Secretary Political mula 2005 hanggang 2008, at sumailalim sa full-time Tagalog language training bago iyon. Kris Jose