Home NATIONWIDE Bagyong Domeng, pasok na ng Pinas

Bagyong Domeng, pasok na ng Pinas

106
0

MANILA, Philippines – Pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Domeng” nitong madaling araw ng Biyernes, ngunit inaasahang mananatiling malayo sa bansa habang posibleng magpapalakas ng southwest monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA.

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang bagyo 1,345 kilometro silangan ng southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 75 kph at pagbugsong aabot sa 90 kph, habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Inaasahan ng PAGASA na maaari pa itong lumakas hanggang maging typhoon habang binabagtas ang Philippine Sea, at inaasahang lalabas ng PAR sa Lunes, Hunyo 1.

Bagama’t hindi direktang tatama sa bansa, maaaring palakasin nito ang Habagat simula Linggo, Mayo 31, na magdadala ng malalakas na ulan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas at posibleng maghudyat ng pagsisimula ng tag-ulan.

Makakaranas din ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, Caraga, Palawan, Western Visayas, Negros, Zamboanga Peninsula, BARMM, Lanao del Norte, at SOCCSKSARGEN dahil sa trough ng bagyo at umiiral na hangin.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa oras ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, mahigit 50 lugar pa rin ang inaasahang makakaranas ng “danger” level na heat index. Posibleng umabot sa 47°C ang Casiguran, Aurora at Cavite City, habang 46°C naman sa ilang bahagi ng Cagayan, Aurora, Bulacan, at Tuguegarao City.

Sa Metro Manila, posibleng umabot sa 44°C ang heat index sa Quezon City at 43°C sa Pasay City.

Posible rin ang localized thunderstorms sa hapon o gabi sa ilang bahagi ng bansa kabilang ang Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Mindoro, at Central Visayas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here