Home NATIONWIDE Bagyong Kiyapo, Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Bagyong Kiyapo, Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto sa bansa ang Bagyong Kiyapo ngayong Sabado, Hulyo 25.

Ayon sa PAGASA, ang Bagyong Kiyapo ay huling namataan sa layong 310 kilometro kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 150 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Ngayong araw, ang Ilocos Norte, Batanes, at Babuyan Islands ay makararanas ng maulang panahon na may mga bugso ng hangin dahil sa Bagyong Kiyapo.

Ang Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro ay magkakaroon naman ng occasional rains dahil sa Habagat habang ang: Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley Region ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Trough ng Bagyong Kiyapo.

Ang Metro Manila, Visayas, nalalabing bahagi ng Luzon, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, at Caraga ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa Habagat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here