Home OPINION MGA BAGYO AT SONA NI PBBM

MGA BAGYO AT SONA NI PBBM

1
0

DAHIL tag-ulan at tagbagyo tuwing may State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos, hindi malilimutan ng pitak na ito ang mga bagyo na dumating noong 2024 at ngayong 2026.

Noong Hulyo 22, 2024 na SONA, ipinagmalaki ni Pang. Bongbong ang nagawang mahigit 5,000 anti-flood projects ng kanyang administrasyon mula sa pag-upo niya simula noong Hunyo 2022.

Hulyo 21 pa lang, dumating na sa Pinas ang super bagyong Carina at katakot-takot na baha ang idinulot nito sa malaking bahagi ng bansa makaraan ang SONA.

Bagaman binayo nang husto ni Carina ang Isabela, Cagayan at Batanes, umabot ang saklaw nito ang Kabisayaan, kasama ang Iloilo at iba pa.

May namatay na 46 katao at isinailalim sa state of calamity ang Metro Manila nang lumubog ang maraming lugar dito.

Ngayong Hulyo 27, 2026, muling magso-SONA ang Pangulo at may dumating na naman na bagyo, si Kiyapo.

Bagaman hanggang signal number 2 ito at binayo ang Cagayan at Batanes at pinaulanan nito ang malaking bahagi ng Luzon at Metro Manila, marami pa rin ang binaha.

At kasama ang habagat, napakalaking lugar ang binaha sa Mindanao mula Zamboanga hanggang Cotabato at Sarangani at ang daming napinsala sa baha roon.

Noong SONA 2025, walang bagyo bago ngunit binagyo ang Pinas ng anunsyo ni Marcos ng salitang “Mahiya naman kayo!” dahil sa sobrang korapsyon, partikular sa flood control projects, na dahilan para mapahiya siya at ang kanyang administrasyon.

Noong 2024, biglang isinisi ng kanyang administrasyon ang ipinagmalaki nitong 5,000 projects sa pagsasabing mga proyekto iyon ni dating Pangulong Digong Duterte ngunit noong 2025, isinisi na ang waepek na 10,000 flood control projects sa mga korap.

Tanong: Ano naman kaya ang sasabihin ng Pangulo sa SONA sa Lunes, Hulyo 27, ukol sa hindi malutas-lutas na baha makaraan ang apat na taon na niyang pag-upo sa Palasyo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here