Home HOME BANNER STORY Bagyong ‘Paolo’ pahihinain ng Sierra Madre bago tumama sa Bulacan

Bagyong ‘Paolo’ pahihinain ng Sierra Madre bago tumama sa Bulacan

401
0

BULACAN, Philippines – May posibilidad na humina ang Tropical Storm “Paolo” ng kabundukan ng Sierra Madre na nagsisilbing panangga at nagpoprotekta sa lalawigang ito sa tuwing may malalakas na bagyo.

Sa report ng Bulacan PDRRMO bandang 12:00 ng tanghali nitong Oktubre 2, ang Tropical Storm Paolo ay nasa kanang bahagi ng karagatan ng Luzon.

Ayon sa report, ang itaas na bahagi ng lalawigan gaya ng Doña Remedios Trinidad, San Miguel at San Ildefonso ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.

Nabatid na pagsapit ng 3:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ay makakaranas ang lalawigan ng di kalakasan hanggang may kalakasang pabugso-bugsong pag-ulan.

Sinasabing sa Biyernes ay inaasahang mararamdaman na ang epekto ng bagyo bagamat malaki ang posibilidad na mapahina ito ng Sierra Madre na nagsisilbing panangga at dahil dito higit na mapoprotektahan ang lalawigan.

Gayunpaman, inaasahan ng mga awtoridad sa nabanggit na araw ang maghapon at tuloy-tuloy na pagbuhos ng di kalakasan hanggang sa may kalakasang ulan at hangin.

Kaugnay nito, bandang 11:00 ng umaga, ang Angat dam ay tumataas at nasa 207.96 m level ng tubig bago ang spilling level na 212.00 m habang ang Ipo dam ay nasa 100.94 m level ng tubig, ang Bustos dam naman ay nasa 15.32 m at umaapaw na nasa 96 cms dulot ng dating nasirang Rubber Gate No. 3 at pagpapasingaw ng iba pang mga rubber gates.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto lalo na sa mga lugar na maaring maapekhan ng baha, pagguho ng lupa, magdala ng mga gamit pang-ulan tulad ng payong, kapote, maging maingat at mapagbantay. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here