MANILA, Philippines – Lalo pang lumakas ang Tropical Storm Ramil (international name: Fengshen) habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Lunes, Oktubre 20.
Bagamat papalayo na ito sa bansa ay inaasahang magdadala pa rin ang bagyong Ramil ng malakas hanggang sa gale-force na pagbugso ng hangin sa ilang lugar.
Lumabas ng PAR ang bagyong Ramil bandang alas-8 ng umaga, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 440 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.
“The trough and outer rainbands of RAMIL and the easterlies will also bring strong to gale-force gusts over the following areas (especially in coastal and upland areas exposed to winds): Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, and Occidental Mindoro,” ayon sa PAGASA.
Samantala, wala nang nakataas na anumang Tropical Cyclone Wind Signals sa bansa. RNT/JGC