Home HOME BANNER STORY Risa Hontiveros nagdeklara ng P19M net worth sa SALN

Risa Hontiveros nagdeklara ng P19M net worth sa SALN

294
0

MANILA, Philippines – Inilabas ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros nitong Lunes, Oktubre 20 ang kanyang 2024 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), bilang bahagi ng kanyang transparency efforts.

Batay sa kanyang 2024 SALN, idineklara ni Hontiveros ang kanyang P18.986 milyong net worth.

Ang kanyang mga assets, kabilang ang real at personal properties, ay nasa P19.884 milyon, at ang kanyang liabilities naman ay nasa P897,840 partikular ang isang car loan.

Nauna nang sinabi ni Hontiveros na suportado niya ang pag-aalis ng restriksyon sa access sa mga SALN ng opisyal ng pamahalaan na inilarawan bilang “unjust, unconstitutional and anti-people.”

Magandang hakbang din aniya ang pagbubukas ng mga SALN sa pagpapalakas ng transparency at accountability sa kabilang ng mga alegasyon ng korapsyon sa pamahalaan.

Matatandaan na naglabas ng memo si Office of the Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa pag-aalis ng restriksyon sa access sa SALN ng mga public official.

Sakop ng memo ng Ombudsman ang SALN ng Pangulo, Bise Presidente, mga pinuno ng constitutional offices, at local government officials. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here