Home NATIONWIDE Ex-satanist priest, 6 iba pa canonized ng Santo Papa

Ex-satanist priest, 6 iba pa canonized ng Santo Papa

366
0

VATICAN CITY – Nagdeklara ng pitong bagong santo si Pope Leo XIV noong Linggo, kabilang sa mga ito ang isang dating Satanikong pari na muling natuklasan ang kanyang pananampalatayang Kristiyano.

Umalingawngaw ang mga kampana sa St. Peter’s Square para sa seremonya, kung saan ginawaran niya ang dating okultistang pari, si Bartolo Longo, kasama ang isang layko mula sa Papua New Guinea, isang arsobispo na pinatay sa Armenian genocide, isang Venezuelan na “doktor ng mahihirap” at tatlong madre na nag-alay ng kanilang buhay sa mahihirap at may sakit.

Ang dating Satanic priest na si Longo, isang Italyano na abogado na isinilang noong 1841 at namatay noong 1926, ay muling sumama sa Katolisismo at nagpatuloy sa pagtatatag ng Pontifical Shrine ng Mahal na Birhen ng Rosaryo ng Pompeii.

Malalaking larawan ng pito ang iniladlad mula sa mga bintana, habang si Pope Leo ang unang papa ng US, ay lumabas mula sa St. Peter’s Basilica na nakasuot ng isang seremonyal na puting sutana na may mitra sa kanyang ulo at nangunguna sa mga obispo at cardinal.

Binasa ni Cardinal Marcello Semeraro ang profile ng pitong santo– ang prefect ng Dicastery for the Causes of Saints — ang departamento ng Vatican na namamahala ng beatification at canonization.

Opisyal na idineklarang mga Santo ang pito matapos basahin ng papa ang canonization formula.

Sa kanyang homiliya, inilarawan ni Leo ang mga bagong santo bilang alinman sa “mga martir para sa kanilang pananampalataya”, “mga ebanghelisador at misyonero”, “mga charismatic na tagapagtatag” ng mga kongregasyon o “mga tagapagbigay ng sangkatauhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here