MANILA, Philippines – Sarado hanggang 2028 ang ilang bahagi ng Mindanao Avenue sa Quezon City para sa konstruksyon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project.
Karaniwang nagsasakay at nagbababa ang mga bus sa panulukan ng Tandang Sora Avenue at Mindanao Avenue.
Sa ulat, hindi madaraanan ang gitnang bahagi ng kalsada habang passable naman ang tatlong lane ng magkabilang gilid ng kalsada.
Nagtalaga na ng mga enforcer para magmando ng trapiko sa lugar.







