Home METRO Bahagi ng SCTEX sarado pa rin sa malakas na agos ng ilog

Bahagi ng SCTEX sarado pa rin sa malakas na agos ng ilog

MANILA, Philippines – Nananatiling sarado sa mga motorista ang Pasig Potrero Bridge sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Ito ay bilang pag-iingat dahil sa malakas pa rin na agos ng ilog sa naturang tulay na dulot ng malalakas na pag-ulan noong mga nakaraang linggo dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Egay at Falcon.

Kasabay nito, ipinagpatuloy na ang remedial embankment para masiguro ang katatagan ng tulay.

Nangako naman ang pamunuan ng SCTEX na agad bubuksan ang tulay sa oras na makumpleto na ang lahat ng kinakailangang ayusin upang masigurong ligtas ang mga motorista. RNT/JGC