Home NATIONWIDE ALAMIN: Paalala ng Comelec sa paghahain ng COC

ALAMIN: Paalala ng Comelec sa paghahain ng COC

MANILA, Philippines – Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang paalala sa panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) na magsisimula sa Agosto 28, 2023.

Ayon sa Comelec, hindi tatanggapin ang mga COC na walang documentary stamp na kalakip.

Hindi rin tatanggapin ang COC kapag walang lagda ng nais mahalal. Hindi notaryado at walang pirma ng notaryo publiko.

Kapag hindi kumpleto ang address ng tirahan at hindi kumpleto ang pagkakasagot sa COC ay hindi rin tatanggapin ng komisyon.

Dapat ding tatlong kopya ng COC ang i-file para sa pagtakbo sa isang posisyon lamang.

Ang paghahain ng COC ay anim na araw lamang mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2023 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa opisina ng Election Officer na nakakasakop sa barangay kung saan nais mahalal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePBBM sa miting ni Ex-PRRD SA China: ‘May mga napag-usapang confidential’
Next articleBahagi ng SCTEX sarado pa rin sa malakas na agos ng ilog