MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang bahagi ng Tipo hanggang Dinalupihan sa Bataan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) Northbound ngayong Linggo, Hunyo 15 upang magbigay-daan sa taunang sports event na Ironman 70.3.
Sa abiso, sinabi ng operator ng SCTEX na
NLEX Corporation, ang pansamantalang pagsasara mula alas-12 ng madaling araw hanggang ala-1 ng hapon.
Idinagdag pa ng NLEX Corp. na ilalagay ang zipper lane sa Subic-bound direction para sa mga motoristang patungo ng Tarlac at Manila.
“Please expect a high volume of traffic in the area during this date. Ensure that your Easytrip RFID account has sufficient balance and allow more time for travel,” saad sa pahayag ng operator. RNT/JGC