MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang lugar sa loob ng compound ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).
Sa update, sinabi ng BFP-NCR na itinaas ang sunog sa first alarm dakong alas-9:10 ng umaga at agad naapula pagsapit ng alas-9:17 ng umaga.
Base sa BFP-NCR, sangkot ang electrical issue sa insidente.
Sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng impormasyon ang mga awtoridad sa mitsa ng sunog, mga biktima, at halaga ng pinsala. RNT/SA