Home HOME BANNER STORY Bahagyang bawas-presyo sa gasolina, diesel asahan

Bahagyang bawas-presyo sa gasolina, diesel asahan

2
0

MANILA, Philippines – — Bahagyang ibababa ng mga oil companies ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene simula Martes, Setyembre 1, 2026, matapos ang dalawang sunod na linggo ng taas-presyo.

Ayon sa mga inanunsyo ng mga retailer:

Seaoil Philippines Corp.

• Gasolina: P0.32 kada litro

• Diesel: P3.83 kada litro

• Kerosene: P3.84 kada litro

Shell Pilipinas Corp.

• Gasolina: P0.30 kada litro

• Diesel: P3.80 kada litro

• Kerosene: P3.80 kada litro

Magsisimula ang bagong presyo alas-6 ng umaga. Wala pa namang kaparehong anunsyo ang ibang oil companies.

Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo kada litro ng gasolina ng P1.08, diesel ng P2.31, at kerosene ng P0.95.

Dahil dito, umabot na sa net increase na P54.92 kada litro ang gasolina, P59.06 ang diesel, at P51.65 ang kerosene mula simula ng 2026 hanggang Agosto 31. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here