Home METRO Bahay ng ginang, nilooban ng nagpakilalang mga pulis sa Cavite

Bahay ng ginang, nilooban ng nagpakilalang mga pulis sa Cavite

MANILA, Philippines – NIRANSAK ng nagpakilalang mga pulis ang bahay ng isang ginang makaraang pasukin at limasin ang mga ari-arian at perang pinagparti-partihan ng mga nagpanggap na mga pulis sa bisa ng search warrant sa Naic, Cavite.

Sa report, bandang alas-7:00 ng gabi nang pasukin at halughugin ng mga suspek ang bahay ni alyas Theresa kasunod ng umano’y isang search warrant laban kay Maria ng PNP-CIDG sa Timalan, Balsahan, Naic, Cavite.

Nagpakilala umano ang mga suspek na mga police officers at puwersahang pinasok ang bahay ng ginang. Sinira ng mga ito ang mahahalagang gamit at tinangay ang kanilang mga gamit kabilang ang susi ng Toyota Grandia na may plakang DBA 7865, susi ng MMitsubishi Montero sport, speaker, drum set, bagong unit ng aircondition na nagkakahalaga ng P24,000.00, isang DSLR M50 CANON Camera, at isang bag na naglalaman ng P500,000.

Kabilang naman sa mga tinangay at ginamit ng mga suspek ang isang Toyota Fortuner na may plakang ZFG886, isang Kawasaki Barako tricycle na may plakang 417OKJ, isang Kawasaki Barako na may plakang 045710, isang motorsiklo na Suzuki na may plakang DC 66876, isang itim na motorsiklong Honda Click na may plakang 54UND, isang motorsiklo na Yamaha NMAX na may temporary plate number na 0401-1699575.

Nasaksihan umano ng mga kasama sa bahay ang pagpasok ng mga suspek at pagtangay sa mga kagamitan.

Hindi naman binanggit sa ulat kung ano ang nasabing search warrant at kung nabawi ang mga ninakaw matapos na naaresto ang mga suspek. Margie Bautista