Home METRO Bahay ng LGU employee sinalakay sa baril, droga

Bahay ng LGU employee sinalakay sa baril, droga

PARACELIS, Mt. Province – Parang teleserye ang eksena matapos maaresto ang isang geodetic engineer at empleyado ng gobyerno sa pagsalakay ng mga otoridad sa kanyang bahay nang masamsam ang ilang sachet ng iligal na droga at isang baril sa isinagawang search warrant sa Brgy. Bantay, Paracelis, Mountain Province.

Kinilala ang suspek na si George Muyot, geodetic engineer, kawani ng LGU Paracelis engineering office, at itinuturing na High Value Individual ng pulisya.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga nang humigit kumulang P90,000 at isang caliber 22 pistol.

Ayon kay PCapt. Alvaro Secligen, Hepe ng Paracelis Municipal Police Station, bago isinagawa ang operasyon ay matagal muna nilang minanmanan ang suspek at nagmula umano ang impormasyon sa mga residente sa lugar.

Pansamantala tikom ang bibig ng suspek habang inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa laban sa kanya. Rey Velasco