Home ENTERTAINMENT Maja, ganap nang ina!

Maja, ganap nang ina!

Manila, Philippines- Maaari na ngayong tawaging mommy si Maja Salvador.

Ito’y makaraang humabol siya sa ikahuling araw ng buwan ng Mayo sa pagiging isa nang ganap na ina.

Nitong June 1 ay ibinahagi ng aktres ang larawan ng legs ng sanggol na anak nila ni Rambo Nuñez.

“Maria” ang ipinangalan nila sa bata.

Matatandaang dumaan din sa pagsubok ang relasyon ng mag-asawa noong magkasintahan sila.

But Maja and Rambo managed to get back together much sweeter to each other than ever.

April 2022 nang mag-propose si Rambo sa nobya.

It was a year later when the couple got married.

Ito’y noong July 2023 sa Bali, Indonesia.

Pero nauna muna ang kanilang civil wedding sa Taguig City noong February 14, 2023 nang ilan lang ang mga nakakaalam.

Prior to this, Maja resigned as host of Eat Bulaga (then-produced by Tape, Inc. with TVJ) citing her wedding preparations as one of the two main reasons.

To Maja and Rambo, congrats as first-time parents. And to their bundle of joy, welcome to the Christian world! Ronnie Carrasco III