Home NATIONWIDE Bahay ng prosecutor sa Cavite, nilooban

Bahay ng prosecutor sa Cavite, nilooban

161
0

MANILA, Philippines – Nasa mahigit sa P150,000 halaga ng mga alahas ang natangay ng hinihinalang akyat bahay sa bahay ng isang prosecutor sa Cavite City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, nagsasagawa pa ng follow up operation ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek na pumasok sa bahay ni alyas Cherubim, 44, babae, prosecutor, sa Brgy 23, Caridad, ng nasabing lungsod.

Batay sa salaysay ng biktima, bandang alas-8:30 ng umaga nang umalis ito sa kanyang apartment sa Del Pilar St., Barangay 23, Caridad, ng naturang lugar upang pumasok sa trabaho.

Dakong alas-6:05 ng gabi nang dumating siya sa kanyang apartment at napansin na sira ang padlock ng pintuan ng bahay at pagpasok nito ay napansin na nawawala ang tatlong pares ng hikaw na nagkakahalaga ng P60,000.00; dalawang piraso ng singsing na P44,000.00, isang Technomarine na relo na nagkakahalaga ng P20,000.00, isang Philipstein na relo a nagkakahalaga ng P26,000.00 sa kabuuang halaga na P150,000.00

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso sa nangyaring pagnanakaw para sa agarang pagdakip sa kawatan. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here