Home NATIONWIDE Indian national na mastermind sa pagpatay sa kalahai, nakorner

Indian national na mastermind sa pagpatay sa kalahai, nakorner

166
0

MANILA, Philippines – Nasukol ng mga awtoridad ang isang Indian National na pangunahing suspek na sangkot umano sa pagpaslang/pamamaril sa kapwa niya kalahi nitong Linggo ng umaga, habang tinutugis ang isa pang Indin national at kasabwat umano sa krimen sa ikinasang hot pursuit operation sa Barangay Palanginan, Iba, Zambales.

Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr., kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Kumar”, 33 anyos na pansamantalang naninirahan sa naturang lugar.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas 9:40 nitong Linggo ng umaga sa Barangay Dampay, Candelaria, Zambales.

Base sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang labi ng biktimang si Alyas “Manpreet” na nakatumba ang sinasakyang motorsiklo na nakahandusay sa gilid ng isang creek sa nasabing Lugar.

Bago ang pamamaril sa biktima, nagpapahanap umano ng baril at gun for hire ang naarestong suspek ayon sa isang impormante na sadyang itinago ang pagkakakilanlan habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Nalaman na lang na ang plano umano ng suspek (mastermind) nang matagpuan ang labi ng biktimang negosyante.

Kilala na raw sa lugar ang biktima na maraming kliyente sa kaniyang negosyong five-six.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang kapatid ng suspek at isa pa na kasama umano nito na kasabwat sa pamamaril.

Inggitan o awayan sa negosyo ang tinitingnan motibo sa krimen.

Nahaharap sa kasong Murder ang nadakip na banyagang suspek. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here