Home ENTERTAINMENT Bahay ni Mura, naabo, umaapela ng tulong!

Bahay ni Mura, naabo, umaapela ng tulong!

Manila, Philippines- Kalunus-lunos ang sinapit ng dating komedyanteng si Mura.

Si Mura ay sumikat sa tandem nila ni Mahal.

Mula nang talikuran niya ang showbiz ay namalagi na siya in his native home province sa Bicol.

Kamakallan lang, bandang gabi, their house in Barangay Tupas, Ligao in Albay was razed to the ground.

Dapat ay pauusukan lang ng kanyang ama ang kanyang silid sa ‘di malamang dahilan.

The fire got big na nadilaan nito ang kurtina kaya nadamay ang buong tirahan nila.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.

Pero sa kasamaang palad, wala silang naisalbang gamit.

Pansamantala munang tumitira si Mura at ang kanyang pamilya sa waiting shed malapit sa kanila.

Nananawagan si Mura ng tulong para man lang daw sa mga damit nila at pagkain.

Inihihingi rin ng tulong ni Mura ang pagpapagawa sa naabo nilang tirahan.

Tanging ang matandang ama’t mga pamangkin ang kasama ni Mura sa nasabing pook.

Magsilbing daan sana ang ulat na ito sa mga nais magpaabot ng kaukulang tulong kay Mura. Ronnie Carrasco III