Home NATIONWIDE Balasahan sa BI officials sa NAIA, ipinatupad

Balasahan sa BI officials sa NAIA, ipinatupad

IPINAHAYAG ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado na magsasagawa sila ng reshuffling sa mga pangunahing tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nabatid na ang mga BI terminal head sa NAIA gayundin ang Hepe ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ay ni-reshuffle upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo at higpitan ang mga pamamaraan sa imigrasyon.

“This reshuffling is the result of a comprehensive study of airport procedures,” ani Viado.

“We are committed to streamlining operations at the country’s main gateway. Improving airport efficiency is one of my administration’s top priorities, and we will continue making necessary changes to ensure smooth immigration processing,” dagdag pa ng opisyal.

Ang reshuffling ay ang una sa maraming hakbang, kung saan si Viado ay nangangako ng higit pang mga pagbabago sa istruktura sa mga darating na linggo.

Tiniyak ng BI Chief sa publiko na inuuna ng ahensya ang mga pangangailangan ng bumibiyaheng publiko habang tinitiyak na hindi makompromiso ang mga border securities.

“These adjustments are part of our mission to provide faster, more efficient service to passengers, while still maintaining strict enforcement of immigration laws. We are strengthening our systems to meet the increasing demands of modern travel,” ayon pa kay Viado.

Binigyang-diin din ni Viado na ang reshuffle ay sumasalamin sa pangmatagalang layunin ng BI na tiyaking mananatiling episyente at transparent ang mga operasyon ng paliparan. Jay Reyes