Home NATIONWIDE Rehistrasyon ng e-bikes sinuspinde ng LTO

Rehistrasyon ng e-bikes sinuspinde ng LTO

175
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpaparehistro ng mga light electric vehicles tulad ng e-bikes walong buwan matapos mailabas ang memorandum na nag-uutos sa rehistrasyon.

Base sa LTO, layunin nila na maingat na tingnan ang kaligtasan ng mga e-vehicles dahil ilang lokalidad ang naglabas na ng kani-kanilang ordinansa sa paggamit ng naturang mga sasakyan.

“Syempre sa lalong madaling panahon we would like to put up guidelines that will govern the usage of light electric vehicles in the event na we find it road worthy, kung roadworthy naman yan, wala namang problema,” ani LTO chief Vigor Mendoza.

Gayunman, nilinaw ng LTO na ang pinakahuling utos nito ay hindi makakaapekto sa mga ordinansang ipinatutupad sa iba’t ibang local government units.

Kung may mga lokalidad na nagbabawal sa paggamit ng e-vehicles, ito ay masusunod, paglilinaw ng LTO.

Noong nakaraang Pebrero, unang iminungkahi ng LTO ang pagpaparehistro ng mga e-vehicle sa isang pampublikong konsultasyon.

Samantala, inaprubahan ng Metro Manila Council at Metro Manila Development Authority ang resolusyon na nagbabawal sa mga light electric vehicles sa mga national road at nagpapataw ng multang P2,500. Para sa mga driver na nahuli nang walang lisensya sa pagmamaneho, ang sasakyan ay i-impound. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here