MANILA, Philippines- Dapat magbigay ng refund o balik bayad ang mga utility companies sa oras na magkaroon ng interupsyon sa kanilang serbisyo na hindi sanhi ng natural calamities, ayon kay Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario.
Ayon kay Almario ang mga interruption sa serbisyo ng utility firms ay nakakaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga consumer, nagreresulta ito sa pagkalugi, kaya naman dapat may refund sa panig ng mga kompanya.
Sa inihaing House Bill 8191 ni Almario ay iginiit nito na dapat magkaroon ng refund sa mga pagkakataon ng “unannounced o unintended service interruptions”.
“There is this sort of covenant between utility service providers and consumers that in exchange for the right payment is the right service,” giit ng mambabatas.
Aniya, kapag naisabatas ang panukala ay tiyak na pagbubutin ng mga kumpanya ang kanilang serbisyo.
“The measure will hold companies accountable to the standards they guaranteed when they applied and granted franchises to operate,” dagdag pa nito.
Giit ni Almario na 25 taon ang prangkisa na ibinibigay sa mga utility firms kaya naman kung sa loob ng 25 taon ay madalas ang interupsyon sa kanilang serbisyo ay malaking kawalan ito sa panig ng mga consumers.
“We routinely receive our monthly billings regardless of the power outages, water supply interruptions, or internet connection problems. These utility companies don’t fail to charge us even if they don’t deliver on the quality of service they promised. We hope to remedy that,” paliwanag ni Almario.
Tinukoy niyo ang pagturing sa Pilipinas na isa “internet poor” country sa Southeast Asia habang noong 2023 ay nasa P556 million ang nawala sa ekonomiya dahil sa naranasang 5 oras na brownout.
Sa oras umano na maisabatas ang panukala ay magbabayad ang mga kumpanya sa hindi magandang serbisyo.
“Once the bill is enacted into law, utility companies will have to pay back their customers through refund or bill adjustments if the cumulative service interruptions reach 24 hours or more, including subscribers of prepaid services,” pagtatapos pani Almario. Gail Mendoza