Home HOME BANNER STORY Balik-kuryente sa mga lugar na hinagupit ni #AghonPh mamadaliin – DOE

Balik-kuryente sa mga lugar na hinagupit ni #AghonPh mamadaliin – DOE

MANILA, Philippines – SIniguro ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE) ang mabilisang pagbabalik ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Aghon.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, binabantayan ng Task Force on Energy Resiliency ang pagsisikap ng mga apektadong power plant sa pagpapanumbalik ng suplay ng enerhiya.

”So we’re monitoring this closely… parang makakabalik naman siya kasi the plants are okay, it’s more of the lines coming in naman ang nagiging issue. Ngunit makatitiyak na lahat ay gumagawa nito,” ani Fuentebella sa isang virtual press conference.

Sinabi pa ng DOE na siyam na planta ng kuryente ang naapektuhan ng Bagyong Aghon, na nagresulta sa pagsasara ng kanilang kapasidad sa pagsuplay ng kuryente.

Sa ngayon, may kabuuang 23 power plants ang hindi nakakapagbigay ng kuryente, kung saan 12 na ang nagsara bago humagupit ang bagyo dahil derated o offline ang mga ito. RNT