Home HOME BANNER STORY ‘Code White Alert’ nakataas sa mga ospital sa lugar na hagip ng...

‘Code White Alert’ nakataas sa mga ospital sa lugar na hagip ng bagyo

MANILA, Philippines — Iniatas ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng hapon ang pagpapanatili ng pagpapatupad ng “Code White” sa mga ospital na nasa lugar na apektado ng Bagyong Aghon.

Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo sa pampublikong briefing ng Bagong Pilipinas Ngayon na nangangahulugan ito na ang mga serbisyo/sistema ng ospital ay nakahanda upang tumugon sa mga sitwasyon na may kaugnayan sa umiiral na kaguluhan ng panahon.

“Ang atin pong mga hospital doon sa mga bahagi na apektado ay code white na simula po noong May 24 pa lang. Huwag pong maalarma; ibig sabihin po, handang-handa ang ating sistema,” ani Domingo.

Hindi bababa sa 19,373 katao ang inilikas sa pananalasa ng bagyong Aghon, ayon sa tally ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. RNT