Home NATIONWIDE Balik-loob sa ICC ‘di pa natatalakay ng Pangulo, DOJ

Balik-loob sa ICC ‘di pa natatalakay ng Pangulo, DOJ

MANILA, Philippines – Wala pang nabubuong posisyon ang pamahalaan kaugnay sa pagiging miyembro muli ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano na sa kanyang pagkakabatid ay hindi pa nakapag-uusap ang Pangulong Marcos Jr at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla tungkol sa naturang resolusyon ng Kamara na makipag-cooperate sa imbestigasyon ng ICC prosecutor patungkol sa drug war ni dating pAngulong Duterte.

Gayunman sinabi ni Clavano na noon pa ay marami nang napag-usapan ang Pangulong Marcos Jr at Secretary Remulla patungkol sa ICC.

Ngunit sa mga bagong development gaya ng nagaganap sa Kamara ay hindi pa aniya nakapag-uusap ang Punong Ehekutibo at ang Justice chief

“I don’t believe the Secretary and President has spoken yet. It is something that is way above my level so I believe its something that has to be discuss between the Secretary and the President…

“They talk about it before, marami na silang napagusapan. Dati pa. Pero with the new news coming out, they haven’t talk maybe for about a week about the issue…” ayon kay Clavano. Teresa Tavares

Previous articlePatay sa M-6.8 Saranggani quake umakyat sa 11
Next articleNavotas humakot ng samu’t saring parangal