Home NATIONWIDE Patay sa M-6.8 Saranggani quake umakyat sa 11

Patay sa M-6.8 Saranggani quake umakyat sa 11

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Disyembre 1, na umakyat sa 11 ang bilang ng mga naiulat na namatay mula sa magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Sarangani Davao Occidental noong Nob. 17.

Sa pinakahuling disaster bulletin nito, sinabi ng ahensya na kabilang sa bilang ang isa mula sa Davao Region at 10 sa Soccsksargen.

Ang nag-iisang nasawi mula sa Davao Region ay na-validate na habang ang mga mula sa Soccsksargen ay patuloy pa ring sinusuri, dagdag pa nito.

Iniulat din ng ahensya na apat ang nasugatan dahil sa lindol na pawang mula sa Davao Region.

Sumasailalim pa rin sa kumpirmasyon ang 33 nasugatan — dalawa sa Davao Region at 31 sa Soccsksargen.

Nasa 19,146 na pamilya o 92,396 katao sa 122 barangay sa Davao Region at Soccsksargen ang naapektuhan ng lindol.

May kabuuang 6,629 na bahay ang nasira ng lindol — 6,297 sa Soccsksargen at 332 sa Davao Region.

Umabot na sa PHP723.2 milyon ang kabuuang pinsala sa imprastraktura dulot ng pagyanig sa dalawang rehiyon. Santi Celario

Previous articleLTO chief inakusahan ng katiwalian ng transport group
Next articleBalik-loob sa ICC ‘di pa natatalakay ng Pangulo, DOJ