Home NATIONWIDE Balisacan bukas sa pagpapababa ng PH growth target sa gitna ng economic...

Balisacan bukas sa pagpapababa ng PH growth target sa gitna ng economic challenges

MAILA, Philippines- Bukas si National Economic and Development Authority Secretary Arsenio M. Balisacan na rebisahin ang economic growth target ngayong taon.

Sa katunayan, ang Development Budget Coordination Committee (DBCC), isang inter-agency body na inatasan na suriin ang macroeconomic targets, ay planong rebisahin ang target ngayong taon sa susunod linggo.

“So there is a good case for revisiting the assumptions. We don’t have yet those first quarter results and that’s what would be a factor that we would have to consider,” ang sinabi ni Balisacan sa sidelines ng pagpirma sa implementing rules and regulations (IRR) para sa Trabaho Para sa Bayan Act.

“But even if we set it from the range of 6.5 to 7.5 percent, which is what we did, to six to seven percent, that’s still to us, a good range. And achieving 6.5 for the year would be a remarkable achievement compared to at least what we are seeing in most countries in Asia,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na 5.8% hanggang 6.3% ng target band para sa gross domestic product (GDP) growth para sa 2024 ang inaasahan ng multilateral institutions na mangyayari.

“Multilateral organizations affirm the strength of the Philippine economy. They are expecting us to maintain our position as a frontrunner in ASEAN with a projected GDP growth of 5.8 percent to 6.3 percent in 2024,” ayon kay Recto.

Ang range ay mas mababa sa kasalukuyang target ng DBCC na 6.5% hanggang 7.5% para sa 2024.

Winika pa ni Balisacan na isinasaalang-alang din sa rebisyon ang El Niño drought at ang lag effects ng interest rate hikes.

“The readout for the February inflation rate quickened to 3.4 percent after a four-month slowdown due to a continuous increase in rice prices which can be attributed to the phenomenon,” ayon sa ulat.

Samantala, kinapos naman ang ekonomiya ng Pilipinas na makamit ang target ng administrasyon na 6% hanggang 7% noong 2023, bumaba mula 7.6% sa nakalipas na taon. Kris Jose

Previous articleCha-cha sa pamamagitan ng people’s initiative bill itinulak sa Senado
Next articleKalahati ng 5% milk sufficiency target maaabot ng Pinas sa 2025 – NDA