Home NATIONWIDE Kalahati ng 5% milk sufficiency target maaabot ng Pinas sa 2025 –...

Kalahati ng 5% milk sufficiency target maaabot ng Pinas sa 2025 – NDA

MANILA, Philippines- Target ng Pilipinas na abutin ang kalahati ng target na milk production sa susunod na taon.

Sinabi ni National Dairy Authority (NDA) Officer-in-charge Administrator Gavino Alfredo Benitez na ito’y magagawa gamit ang madiskarteng pagsisikap.

“I am pleased to share that based on the figures we have received, we project that by 2025 we shall be halfway through our goal, with milk production by then at about 40 million liters,” ayon kay Benitez.

Ang volume ay kalahati ng 80 million liters production target ng NDA sa 2028 o katumbas ng 5% milk self-sufficiency.

Ang inaasahang volume turnout ay alinsunod sa Philippine Dairy Industry Roadmap mula 2020 hanggang 2025.

Nauna rito, lumagda ang NDA ng isang kasunduan sa National Commission on Indigenous Peoples para makamit ang kalalabasan sa pamamagitan ng pagtatatag ng stock farms sa ancestral domains sa bansa.

Ang iba pang mahalagang estratehiya ay ang pagpapahusay sa herd growth at kabuhayan ng dairy farmers.

Sa kabilang dako, suportado naman ng Department of Agriculture (DA) ang target ng NDA para palakasin ng local milk production.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tinatayang P3 billion fund ang ipupuhunan sa pagtatatag ng dairy zones sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala, binigyang diin naman ni Benitez ang tuloy-tuloy na trabaho ng NDA katuwang ang partner agencies sa gitna ng tumataas na demand para sa milk consumption.

“We have assisted the dairy farmers’ participation in the nationwide milk feeding programs of the DepEd (Department of Education) and the DSWD (Department of Social Welfare and Development),” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleBalisacan bukas sa pagpapababa ng PH growth target sa gitna ng economic challenges
Next articleHVI arestado sa higit P3.4M shabu