Home NATIONWIDE Ballot printing target tapusin sa Marso 10

Ballot printing target tapusin sa Marso 10

Naghahanda na ang mga manggagawa ng National Printing Office para sa pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin para sa May 2025 national at local elections.Sinaksihan ang pagpapatuloy ng printing nina Commissioners Rey Bulay, National Printing Office (NPO) Directors Revsee Escobedo, Chairman George Erwin Garcia, at Commission on Elections (COMELEC) Commissioners Ernesto Maceda Jr. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines- Target ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang ballot printing sa Marso 10, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Ang pagtiyak ni Garcia ay kasabay ng pahayag na nakapag-imprenta na ng 50 milyon o 70% ng mahigit sa 72 milyong balota ( 72,097,420) para sa midterm election.

Kinuha ng Comelec ang National Printing Office para tulungan ang South Korean election system ng provider na Miru na maabot ang Abril 14 deadline para sa pag-imprenta ng balota.

Ang ballot printing ay ilang beses na naantala dahill kinailangan ng Comelec na tumalima sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa nuisance candidates na ang pangalan ay inalis ng poll body sa balota.

Ngunit kailangang itapon ng Comelec ang mga printed materials na nagdulot ng P132 milyong pagkalugi.

Noong Enero 21, naglabas ang SC ng bagong TRO na nag-aatas sa Comelec na maglagay ng isa pang kandidato, ang pangalan ni Norman Mangusin (kilala rin bilang Francis Leo Marcos) sa balota.

Pagkatapos, binawi ni Mangusin ang kanyang pagtakbo sa Senado, na humantong sa ikatlong pagkaantala sa pag-imprenta.

Ipinatawag ng SC si Mangusin dahil sa kanyang mga aksyon, na sinabi ng Korte na “may posibilidad na dalhin ang mga proseso ng SC sa kasiraan o kawalan ng respeto.”

Ipinagpatuloy ng Comelec ang pag-imprenta ng balota noong Enero 27 at nagpapatuloy hanggang ngayon ang operasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden