MANILA, Philippines – Ang mga balota para sa bangsamoro Autonomous Region in Muslim MIndanao (BARMM) parliamentary polls ay may larawan ng mga kandidato, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ginawa ng poll body ang hakbang kahit bago imungkahi ng watchdog Legal Network for Truthful Elections (Lente) na ang mga balota ay dapat itampok ang larawan ng kandidato at party logos.
Sinabi rin ng Lente na dapat mayroong “none of the above” na pagpipilian sa balota para sa BARMM polls.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ireset ang BARMM elections na dapat sana ay kasabay ng midterm elections sa Mayo 12.
Sinabi ni Lanao del Sur 1st District Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong na ang mahalagang bahagi ng hakbang ni Marcos ay ang probisyon kung saan pinahihintulutan ang pangulo na magtalaga ng miyembr ng Bangsamoro Transition Authority, na nagbibigay ng kapangyarihan sa punong ehekutibo na hatiin ang Sulu seats. Jocelyn Tabangcura-Domenden