Manila, Philippines – Loveless na uli si Kris Aquino.
Mismong ang Queen of All Media ang nagkumpirma sa kanyang Instagram nitong February 22, Sabado na wala na sila ng kanyang nobyong si Dr. Michael Padlan.
Kris, however, would not give any more details surrounding their breakup.
Aniya, noon naman daw sila pa ng surgeon ay hindi niya ibinahagi ang tungkol sa kanilang relasyon.
The least Kris did was to make a confession sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz noong June last year.
Bakit pa nga naman ise-share ni Kris ang kanilang paghihiwalay?
September last year nang magkasabay umuwi ng bansa sina Kris at Mike.
Since then, nothing was heard from them.
Samantala, nilinaw ni Kris na hindi pa siya “fit to work” again.
Kinailangan daw niya kasing i-address ang ilang health issues niya including putting on more weight.
As it is now, kulang 40 kilos lang ang timbang ni Kris.
Bale ba, bukod sa anim na autoimmune diseases ay may tatlo pang nadagdag na sakit kay Kris.
But she remains calm and strong, thanks to her faith and power of prayers. Ronnie Carrasco III