Home ENTERTAINMENT Fans nina Julie Ann at Gabbi, nagbabardagulan!

Fans nina Julie Ann at Gabbi, nagbabardagulan!

Manila, Philippines- Murder mystery suckers out there, tiyak na ipagdiriwang n’yo ang aabangang serye sa telebisyon.

Ito’y ang Slay kung saan pinagsama-sama ang mga prized possessions ng GMA.

Sila’y sina Julie Ann San Jose, Mikee Quintos, Ysabel Ortega at Gabbi Garcia.

In the male lead role is Derrick Monasterio.

Ikina-excite naman ng apat na aktres ang kanilang pagsasama.

‘Yun nga lang, Slay will be shown ahead via Viu streaming kesa sa free TV.

Walang iniwan ito sa Pulang Araw na mas nauna munang mapanood sa Netflix.

Ang risk nga lang pag nauna sa streaming platform ay apektado ang ratings nito.

Pero what seems to be more interesting ay ang bardagulang nagaganap sa mga fans nina Julie Ann at Gabbi.

For Julie Ann’s fans, hindi sila payag na mas mauna sa billing si Gabbi.

Same with Gabbi’s fans, hindi bet ng mga ito na billed si Julie Ann ahead of their idol.

Pero dahil may kasabihan ngang: “For every problem, there’s a solution”–nagawan ito ng paraan ng GMA.

May version na una si Julie Ann at may “and” ang pangalan ni Gabbi.

Meron ding mas una si Gabbi at si Julie Ann naman ang may “and.” Ronnie Carrasco III