MANILA, Philippines – Mayroon pang 200 Pinoy ang hindi pa naililigtas sa kamay ng sindikato na “Golden Triangle,” na isa sa major hubs ng mga iligal na aktibidad sa buong mundo.
Ang “Golden Triangle” ay kung saan bumabagtas ang borders ng Myanmar, Thailand at Laos.
Sinabi ni Nicholas Felix Ty, undersecretary in charge ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng Department of Justice na ilang daan na Filipino workers ang nailigtas na mula sa mapanganib na rehiyon mula 2023.
Gayunman, marami pa rin Filipinos ang naeenganyo na sumugal lalo na at ipinagbawal na sa Pilipinas ang mga offshore gaming hubs.
Iginiit ni Ty na hindi nagkulang ang DOJ na magbigay ng babala at batid ng mga pinoy ang peligro sa pagpasok sa ganitong mga trabaho ngunit nagpipilit pa rin dahil naakit sila, nahihimok sila sa mga ipinapangakong sweldo.
Pinayuhan ni Ty ang mga Pinoy na magtatrabaho abroad na tiyakin na ang employment processes ay sumusunod sa batas ng bansa gaya ng pagkuha ng mga permit mula sa Department of Migrant Workers. TERESA TAVARES