MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Balut Island sa Davao Occidental nitong Linggo, Marso 1.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig 1:22 ng madaling araw nitong Linggo.
Naitala ang epicenter ng lindol 93 kilometro timog silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 56 kilometro at tectonic in origin.
Naitala naman ang instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani; Tupi, South Cotabato; at Palimbang, Sultan Kudarat.
Samantala, naitala ang Intensity I ng lindol sa Maasim at Malapatan, Sarangani; Koronadal City at T’Boli, South Cotabato; Santa Maria, Davao Occidental; at Digos City, Davao del Sur.
Bagamat walang pinsalang naitala kasunod ng lindol ay posible naman ang mga aftershock. RNT/JGC