Home TOP STORIES Bam Aquino may bagong katropa sa Chelsea Alley at Moro Beats

Bam Aquino may bagong katropa sa Chelsea Alley at Moro Beats

MANILA, Philippines – May mga bagong tropa si dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino sa rock band na Chelsea Alley at hiphop group na Moro Beats.

Kabilang ang dalawang grupo sa mga isinama ni Aquino sa Aquino Center and Museum sa Tarlac City para ikuwento ang kasaysayan ng pamilya.

Nakipag-brainstorm pa si Aquino sa kanila kung paano matutulungan at mapoprotektahan ang karapatan ng mga musikero sa pamamagitan ng polisiya.

Nag-share naman sa kanilang social media accounts ang dalawang grupo ng larawan sa kanilang pagbisita sa Aquino Center.

“Kasama ang ating mga kapatid sa Morobeats upang sariwain ang diwa ng Edsa,” sabi ng Chelsea Alley sa kanilang post.

“Bagong mga tropa!” nakasaad naman sa caption ng Morobeats nang i-share nito ang post ng Chelsea Alley.

Kapag nakabalik sa Senado, nangako si Aquino na palalawakin pa ang libreng kolehiyo at tiyaking nakikinabang ang mga estudyante sa libreng pabaon na nakapaloob sa batas.

Isusulong din ni Aquino ang siguradong trabaho para sa mga Pilipino, kabilang ang mga out-of-school youth. RNT