Home NATIONWIDE Lagay ni Pope Francis bumubuti na – Vatican

Lagay ni Pope Francis bumubuti na – Vatican

MANILA, Philippines- Habang nanatili sa ospital para gamutin sa kanyang double pneumonia ay gumagawa pa rin ng ilang trabaho si Pope Francis, sinabi ng isang opisyal ng Vatican noong Huwebes.

Ang 88 taong gulang na pontiff ay gumugugol ng kanyang ika-14 na araw sa Gemelli Hospital ng Roma na may malubhang impeksyon sa paghinga, na nagdulot ng iba’t ibang mga komplikasyon.

Noong Miyerkules, sinabi ng Vatican na nagkaroon ng karagdagang bahagyang pagbuti sa kanyang kondisyon.

Sinabi rin na ang mild kidney insufficiency ay nalutas na ngunit ang kanyang prognosis ay binabantayan pa rin.

Patuloy din ang pamumuno ni Francis sa Vatican kahit pa nasa ospital kung saan inaanunsyo araw-araw ang mga appointment ng mga kawani na nangangailangan ng kanyang pag-aruba.

Sinabi ng Vatican na normal nang nakakakain si Francis gayunman hindi pa batid kung gaano pa ito magtatagal sa ospital.

Kinansela naman ang public audience sa Sabado ngunit hindi sinabi kung pangungunahan ng papa ang kanyang karaniwang lingguhang panalangin kasama ang peregrino sa Linggo.

Sinabi rin ng Vatican noong Miyerkules na sa unang pagkakataon ay tumanggap ang papa ng respiratory physiotherapy, karaniwang naglalayong mapabuti ang function ng baga, linisin ang secretions at gawing mas mahusay ang paghinga. Jocelyn Tabangcura-Domenden